Lunes, Disyembre 30, 2013

smile ka din. konte lang :-)

December 29, 2013, wala na sana akong balak pang umuwi sa amin para mag-new year pero nag-text si ermat kaya 'yun tamang mangutang ng pamasahe at umuwi.

Habang sakay ng jeepney pa-pantalan ay may pumara at sumakay na isang mama. Medyo nagulat ako ng kaunti kasi si Kuya, ay may down syndrome, at ito ang unang pagkakataon ko na makakita na may ds na mag-isang nagbiyahe. Hindi ko alam kung bakit pero napakalapit talaga sa puso ko ng may mga ganitong disability na tila ba sila'y mga anghel sa paningin ko. Mind you, hindi ko ipinagpapasalamat na sila ay may ganuon. Pero mahal ko sila. Mahal na mahal. Nalulungkot lang ako na may mga nagsasabing suwerte daw sa pamilya ang may mga ganuon. Ha? Masuwerte na ayos lang magkasakit ng ganuon tutal naman yayaman ang pamilya. Mga baliw. Mas baliw pa kayo sa akin. Ginagawang lucky charm? Sa Quiapo marami nuon, mga hinampukat kayo.

Babalik ako sa kuwento. I regret na hindi ko man lang siya kinausap, natanong kahit man lang ang pangalan edad. Pero sinamantala kong makuhanan siya ng picture (sorry Kuya ha):


Ano ang may down syndrome? Ayokong gamitin ang terminong ito pero ang tawag niyo dito mongoloid. Sila 'yung mga katulad nuong ngayon ay sikat na sikat na si Mr. Smile Ka Din ng Mc Donalds at Becky ng The Glee. Oo, sikat na sikat sila. Sikat na sikat pa sila sa mga mokong na kilala mo. These are some of the people who, unlike you, keep on inspiring us, making us smile, and telling us to go on with your life, dream no matter what and who you are.

http://goo.gl/PGfEOW





 




pagpapasalamat

http://goo.gl/W3kAmI
Ang taon na ito ay hitik na hitik ng pagsubok hindi lamang ng sarili ko kundi ng bansa natin pati na rin ng buong mundo: lindol sa Bohol, bagyong Yolanda, giyera sa ilang bansa sa middle east, africa, at maraming pang iba. Hindi ko ipinagpapasalamat na hindi ko, ng pamilya ko, at ng pamayanan ko naranasan at napagdaanan ang mga bagay na ito sapagkat ito'y tuwirang pang-iinsulto sa lahat ng mga taong patuloy na naghihirap at nagdaramdam sa dulot na pasakit nito. Ituturing ko itong oportunidad: oportunidad para makatulong, oportunidad na makapag-ipon upang mapaghandaan ang mga hindi inaasahang pangyayari, oportunidad na suliting ang panahong kapiling ang lahat ng mga taong aking pinahahalagahan, at oportunidad para sa mas malalim na relasyon sa Diyos. Ang paghinga ko sa looban ng 365 days ng 2013 ay sapat na para magdiwang at sambitin ang salitang "Salamat po."

Pagpalain nawa lahat tayo ngayong 2014.

#oplusxmas #yugatech


Linggo, Disyembre 29, 2013

bakit dynamicme?

naniniwala ako na ang bawat tao ay may kanya-kanya "power". kapangyarihan sa maraming pamamaraan. maaring sa larangan ng musika, ng siyensya at matimatika,  ng literatura, ng pilosopiya, ng pagsasalita at gayundin, sa larangan ng pag-ibig.ehemmm.

ako? hindi ko alam kung saan talaga akong mahusay at kung ano ang aking tunay na kapangyarihan. natatakot ako na mamatay ng hindi namamalayan kung para saan pa at ako ay namatay. kaya ito, ito mismo! gagawin kong simula. gagawin kong paglalakbay.

walang tema. kahit ano. kung ano maisip ko. sort of diary? puwede. my life would be an open book. naks. wala akong pake. hindi ko naman intensiyon na ipabasa ito. nagkataon nga lang na mahilig akong mag-internet, eh di maximize ko na. kesa sa facebook ako magpost na kung anu-ano, eh dito na lang. makapag-save ng kahit konteng kahihiyan.

umaasa ako na sana, sa pamamagitan nito, matagpuan ko ang tunay na kapangyarihan ko. kapangyarihan na makapagpapalawig ng pagmamahal sa sarili ko, sa mga taong pinapahalagahan ko, sa mga taong itinuturing kong kaaway at sa bayan ko.

dynamicme, game na!!!