Habang sakay ng jeepney pa-pantalan ay may pumara at sumakay na isang mama. Medyo nagulat ako ng kaunti kasi si Kuya, ay may down syndrome, at ito ang unang pagkakataon ko na makakita na may ds na mag-isang nagbiyahe. Hindi ko alam kung bakit pero napakalapit talaga sa puso ko ng may mga ganitong disability na tila ba sila'y mga anghel sa paningin ko. Mind you, hindi ko ipinagpapasalamat na sila ay may ganuon. Pero mahal ko sila. Mahal na mahal. Nalulungkot lang ako na may mga nagsasabing suwerte daw sa pamilya ang may mga ganuon. Ha? Masuwerte na ayos lang magkasakit ng ganuon tutal naman yayaman ang pamilya. Mga baliw. Mas baliw pa kayo sa akin. Ginagawang lucky charm? Sa Quiapo marami nuon, mga hinampukat kayo.
Babalik ako sa kuwento. I regret na hindi ko man lang siya kinausap, natanong kahit man lang ang pangalan edad. Pero sinamantala kong makuhanan siya ng picture (sorry Kuya ha):

Ano ang may down syndrome? Ayokong gamitin ang terminong ito pero ang tawag niyo dito mongoloid. Sila 'yung mga katulad nuong ngayon ay sikat na sikat na si Mr. Smile Ka Din ng Mc Donalds at Becky ng The Glee. Oo, sikat na sikat sila. Sikat na sikat pa sila sa mga mokong na kilala mo. These are some of the people who, unlike you, keep on inspiring us, making us smile, and telling us to go on with your life, dream no matter what and who you are.
![]() |
http://goo.gl/PGfEOW |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento