Linggo, Disyembre 29, 2013

bakit dynamicme?

naniniwala ako na ang bawat tao ay may kanya-kanya "power". kapangyarihan sa maraming pamamaraan. maaring sa larangan ng musika, ng siyensya at matimatika,  ng literatura, ng pilosopiya, ng pagsasalita at gayundin, sa larangan ng pag-ibig.ehemmm.

ako? hindi ko alam kung saan talaga akong mahusay at kung ano ang aking tunay na kapangyarihan. natatakot ako na mamatay ng hindi namamalayan kung para saan pa at ako ay namatay. kaya ito, ito mismo! gagawin kong simula. gagawin kong paglalakbay.

walang tema. kahit ano. kung ano maisip ko. sort of diary? puwede. my life would be an open book. naks. wala akong pake. hindi ko naman intensiyon na ipabasa ito. nagkataon nga lang na mahilig akong mag-internet, eh di maximize ko na. kesa sa facebook ako magpost na kung anu-ano, eh dito na lang. makapag-save ng kahit konteng kahihiyan.

umaasa ako na sana, sa pamamagitan nito, matagpuan ko ang tunay na kapangyarihan ko. kapangyarihan na makapagpapalawig ng pagmamahal sa sarili ko, sa mga taong pinapahalagahan ko, sa mga taong itinuturing kong kaaway at sa bayan ko.

dynamicme, game na!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento